Pagkahaba-haba man ng Prusisyon, sa Simbahan pa rin ang Tuloy”

Dear Herald KNOT,

Ako po ay isang seminarista. Minsan ay binigyan kami ng assignment sa klase. Kaya heto, dahil Vocation Month naman, maranasan nawa natin ang isang pag-ibig na siyang nagbibigay-sigla sa buhay ko ngayon. Naranasan mo na bang magkaroon ng isang relasyon?
Marahil sa bawat oras o araw na dumaan buhat ng kayo ay naging magkasintahan, hindi mo na gugustohin pang palampasin ang bawat pagkakataon. Hawak dito, yakap doon, talaga namang sadyang kay sarap umibig. Salubungin man ng kahit anong bagyo o unos ng buhay ang relasyong ito, ay ‘di natitinag, ni nagigiba o sumusuko.
Ito ang ibig sabihin ng aking napiling kasabihan.
Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng marami at maaaring maging balakid sa kanilang pagsasamahan, ay sa dambana pa rin ang kinahantungan ng kanilang pag-iibigan.
Marahil nagtataka kayo kung bakit ito ang aking napili.
Oo, ako ay umiibig at ito ay natagpuan ko sa aking bokasyon ngayon.
Tulad ng isang magkasintahan, hindi ko maipaliwanag ang tuwa’t ligaya na nadarama sa araw-araw.
Hawak ng rosaryo dito, yakap ng santo doon at napatunayan kong talaga namang kay sarap umibig.
Marami man ang hadlang, makaranas ng mga kabiguan, hindi ko isusuko ang pag-ibig na natagpuan.
Hahamakin ang lahat abutin man sa simbahan.

Nagmamahal,

Sem. Ragde Badiang

No Comments

Post A Comment