Iniidolo kong Guro

Magandang araw mga guro. Ngayong linggong ito ay isang mag-aaral sa hai skul ang magbabahagi ng kanayang karanasan sa kanyang iniidolong guro. Narito ang kanyang karanasan.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang iniidolong guro. Nang dahil sa kanilang sipag at tiyaga, kabutihang loob na maihandog o maipabatid sa iyo para lamamng matutunan mo ang dapt na iyong matutunan upang makamtan mo ang iyong mg panagarap.

Kagaya ng sa akin, ako po si Precious Novie L. Eballa, nagging estudyante ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Doña Carmen Denia. Sa pag-aaral ko po hai skul, nagkaroon ako ng isang adviser na may kabutihang loob at matulungin sa oras na may kailangan ka. Yun po ay si Bb. Josephine Montaño. Pinili kop o siya na maging akin gpaboritong guro dahil marunong siyang makibagay sa kanyang mga estudyante at sa tuwing may problema o may kailangan ako, andyan lang siya para unawain at gabayan ako sa tamang landas. Kung sa bonding naman ang pag-uusapan andyan din si Ma’am para makisali at makisabay sa mga trip ng kanyang mga estudyante. Kaya wala na akong iba pang maipagmamalaking guro kung hindi siya lang. Wala na kaming hahanapin o maipipintas sa kanyang ugali dahil ibinigay na ng Diyos sa kanya ang lahat.

Maraming salamat sa iyo Precious Novie. Abangan ang iba pang mga karanasan ng mga mag-aaral sa kani-kanilang mga guro. Sa mga guro at estudyante, maaari kayong magpadala ng inyong mga istorya sa waltz8494@gmail.com at maaari niyo rin akong sundan sa twitter.com/@tob_dcherald

No Comments

Post A Comment