Ang Kasaysayan ng Sto. Rosario Parish, Toril
Taong 1930, nagtayo ng maliit na kapilya ang mga Caballeros Catolicas na grupo ng mga kalalakihan at Damas Catolicas, grupo ng mga kababaihan sa Toril. Ito ay bilang pagpakita ng kanilang pagkakaisa at pananampalataya sa Panginoon.
“Sto. Rosario” ang napiling patron bilang pagpupugay kay Santa Maria. Ang kapilyang ito ay sakop ng San Pedro Parish (San Pedro Cathedral na ngayon) na kabilang sa Diocese of Zamboanga. Ang kapistahan ay Oktobre 17.
Taong 1948, dumating ang Foreign Mission Society of Quebec (PME Priests) na nagtayo ng paaralan sa lugar. Dahil sa kanilang presensya naging madalas ang misa tuwing Linggo at nilipat ang araw ng kapistahan sa Oktobre 7 base sa liturgical calendar.
Taong 1951, naging parokya ang Sto. Rosario pagkatapos ng pormal na paglagda sa canonical erection. Ito ay naging isa sa 13 parokya na bahagi ng prelature ng Davao na pinamunuan ni Msgr. Clovis Thibault, unang arsobispo ng Davao.
Naging kauna-unahang parish priest nito si Fr. Conrad Lafortune, PME. Itinayo ang simbahan at ang convent sa lupain na ibinigay ni Don Cayetano Bangoy, Sr.
Taong 1955, nakipag-ugnayan si Rev. Fr. Joseph Dupuis, PME sa pamilyang Dela Cruz upang magkaroon ng malaking lote na pagtatayuan ng malaking konkretong simbahan at ito ay natapos limang taon makalipas ang pagtatayo. Dito nakatayo ang Sto. Rosario Parish ngayon. Ang lokasyon ng dating simbahan ay ang GKK Sagrada Corazon de Maria sa Daliao ngayon.
Naging aktibo ang mga parokyano sa mga gawain sa simbahan na siyang nagpaunlad sa kanilang paniniwalang Katoliko.
Pinamumunuan sila sa mga naging kura paroko na sila Msgr. Edgar Rodriguez, Fr. Atenodoro Sarona, Fr. Perry Malacaman, Fr. Pete Lamata, Msgr. Boni Burlaza, at Msgr. Max Sarno.
Taong 2003, pinasimulan ni Rev. Fr. Max Bahinting, DCD ang pagpapatayo ng malaking simbahan sa layuning di na ligtas ang dati dahil sa kalumaan nito.
Taong 2005, naging parish priest si Rev. Fr. Dionisio Tabiliran, DCD at ipinagpatuloy nito ang pagpatayo sa 3,600 sq. meters na simbahan, kasama ang sanctuary, 2 chapels para sa binyag at adorasyon, sacristy at Convention Hall. Natapos ito noong 2011.
Sa kasalukuyan, si Rev. Fr. Roy Mejias, DCD, ang kura paruko na sumunod kay Fr. Tabiliran ay nagpatayo ng 25.5M na pastoral Building na may tatlong palapag. Layunin nitong matulungan ang mga mahihirap na di nakapag-aral. Ang livelihood trainings na TESDA-accredited ang ipinatupad. Dito rin idinaos ang mga malalaking asembleya at mga pagtitipon ng mga opisyales at kasapi ng GKK, gayundin ang iba’t ibang organisasyon ng simbahan.
Sa pagdiriwang sa ika-68 na kapistahan ng Sto. Rosario, ipinapakita na sa pagkakaisa ng mga parokyano ang biyaya ng Panginoon at ng Mahal na Birhen Maria ay makakamtan. (Juneva P. Ardepolla | SRP SocCom Coordinator)
Noland A. Batuto
Posted at 13:46h, 02 MaySa pagkakaalam ko ang Sagrada Corazon de Maria ay ang pinakaunang Chapel itinayo nuong 1920s located in Daliaon, Davao (presently brgy Daliao) kasi po ang name na Toril ay hindi pa naga exist during that time.
Ang kasalukuyang area ngayun ng Toril Dist ay tinatawag na Daliaon, Davao iisa lang pangalan wala pang naga exist kahit isang brgy or sitio kasi po may document ako marriage of my Grand Parents LUCIANO ANTEPASADO and Felicidad Lara nuong 1919 sa San Pedro Church ang kanilang adress nakalagay ay Daliaon, Davao pero naka tira sila centro ng Toril..
At yung Daliaon ay yung Brgy Daliao ngayun kasi nasa tabing dagat at ang means of transportation nuong araw papunta ng Davao Poblacion ay sa tabing Dagat kung low tide ay gagamit sila ng kabayo or carabao at kung high tide gagamit sila ng banca going to Davao Pob.
Itinayo ang Sto Rosario Chapel nuong naga exist na ang Brgy Toril nag separate na sa Brgy. Daliao at naging sentro na ang Toril sa buong distrito.